Ano ang cyberlibel?

ANO ANG CYBERLIBEL? 
Sinaliksik ni Greg Bituin Jr.

Ang Cybercrime Prevention Act of 2012 (Batas Republika Blg. 10175) ay naisabatas sa Pilipinas noong Setyembre 12, 2020. Layunin nitong parusahan ang anumang krimeng isinagawa gamit ang kompyuter.

Nauna nang naisabatas noong ang Electronic Commerce Act of 2000 (Batas Republika Blg. 8792) hinggil sa mga krimeng gamit ang kompyuter, na naisabatas bunsod na rin ng matinding I Love You virus na ginawa ng isang Pinoy na si Onel de Guzman. Subalit hindi siya nasampahan ng kaso noon dahil sa kawalan ng legal na batayan upang kasuhan siya sa panahong iyon.

Sa kaso ni Maria Ressa, siya’y kinasuhan ng cyberlibel, at hina-tulan siyang guilty ng hukom na si Rainelda Estacio-Montesa ng Manila Regional Trial Court Branch 46 noong Hunyo 15, 2020.

Ang nasabing batas ay may 31 seksyon, at nahati sa walong mga kabanata. Dito'y ginawang krimen ang maraming uri ng pagkakasala, kabilang ang iligal na pag-access (pag-hack), pakikialam ng mga datos, maling paggamit ng aparato, cybersquatting, computer fraud, cybersex, spam, at iba pang pagkakasala. Isinama rin  nito ang Anti-Child Pornography Act of 2009 (Batas Republika Blg. 9775), at ang libelo, na pagkakasala sa ilalim ng Seksyon 355 ng Revised Penal Code of the Philippines, na lalo na’t ginamit ang kompyuter sa mga aktibidad na labag sa batas.

Ang Batas ay may unibersal na hurisdiksyon: may mga probisyon itong lapat sa lahat ng sinumang mamamayang Pilipino, saan mang bansa siya naroroon. Iba pa ang usapin hinggil sa Stop Online Piracy Act at ang PROTECT IP Act.

Krimen na ang libelo sa ating bansa. Ang libelo'y may parusang minimum o medium prisión correccional (anim na buwan hanggang apat na taon at dalawang buwan), ngunit sa cyberlibel ngayon, ito'y may parusang prisión mayor (anim hanggang labing dalawang taon).

Abangan pa natin ang anumang kahihinatnan ng kaso ni Maria Ressa at bantayan natin ang ating kalayaan sa pamamahayag.

* Unang nalathala sa pahayagang Taliba ng Maralita, ang opisyal na publikasyon ng Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML), isyu ng Hulyo 1-15, 2020, pahina 2.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Bukrebyu - Banaag at Sikat ni Lope K. Santos

Sa landas ng tatlong bayan

Ano nga ba ang kahulugan ng salitang "tunód"?