Di ako nasa kilusan para lang magtrabaho

di ako nasa kilusan para lang magtrabaho
narito ako dahil niyakap ko ang prinsipyo't
diwa ng kilusang mapagpalaya't sosyalismo
kumikilos upang sistemang bulok ay mabago

di ako nasa kilusan para lang magkasahod
narito ako upang sosyalismo'y itaguyod
sa bayan at uring manggagawa'y makapaglingkod
at ibagsak na ang burgesyang bulok at pilantod

di ako nasa kilusan para lang magkapera
dahil wala ditong pera kundi pagod at dusa
pangunahin dito'y pagkilos at pakikibaka
upang baguhin ang lipunan kasama ang masa

matatagpuan sa kilusan ay sakit at hirap
di ka bagay dito kung nais mo lang magpasarap
ngunit kung makataong sistema'y iyong pangarap
tayo'y magsikilos upang mangyari itong ganap

- gregbituinjr.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Bukrebyu - Banaag at Sikat ni Lope K. Santos

Sa landas ng tatlong bayan

Ano nga ba ang kahulugan ng salitang "tunód"?