Ang sudoku at ang sundot kulangot

imbento nga ba ng Igorot ang larong sudoku?
mula sa SUnDOt KUlangot ba'y pinangalan ito?
inipit sa kawayan itong matamis na bao
ikumpara ang sundot kulangot sa anyo nito
linya-linya, pahalang, pababa, tila sudoku

sa lungsod ng Baguio kayraming sundot kulangot
matamis na baong ginawa ng mga Igorot
kaysarap, pampatalino, at lunas din sa lungkot
pag natikman mo ang kaytamis na sundot kulangot
tiyak pag nag-sudoku ka'y madali mong masagot

- gregbituinjr.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Bukrebyu - Banaag at Sikat ni Lope K. Santos

Sa landas ng tatlong bayan

Ano nga ba ang kahulugan ng salitang "tunód"?