Mutyang rosas

kanyang winisik-wisikan
yaong rosas ng kariktan
habang inaalagaan
ang sinasambang hayagan

tila adang minumutya
ang rosas na anong putla
kailan kaya huhupa
ang dumaluhong na baha

ang rosas sana'y pumula
tulad ng dugo ng sinta
at masilayan na niya
ang sinisintang dalaga

inibig ang mutyang rosas
tulad ng kakaning bigas
kapara animo'y pantas
tulad ng isang ilahas

rosas na tadtad ng tinik
na sa puso'y tumitirik
at sa diwa'y natititik:
"mutyang rosas itong hibik!"

- gregbituinjr.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Bukrebyu - Banaag at Sikat ni Lope K. Santos

Ano nga ba ang kahulugan ng salitang "tunód"?

Nagrambulan dahil sa kulangot