Kinakatha kita sa panahong di matingkala

kinakatha kita sa panahong di matingkala
nasa puso kita't diwa, O, aking minumutya
ano bang pinagkaisahan natin at adhika
upang magpasyang magsama sa gawaing dakila

kinakatha kita bilang amasonang huwaran
maalindog, matapang, kayumangging kaligatan
sa pusong ito'y kapilas ka't di basta maiwan
sa tuwina'y magkasangga sa anumang larangan

kapwa kita tibak, may lasa pa ba ang pag-ibig?
gaano kaya katamis ang ating pagniniig?
umawit ka, diwatang mutya't ako'y makikinig
nahahalina ako sa anong ganda mong tinig

sadyang kayganda ng adhika mo para sa masa
kaya sinasamahan kita sa pakikibaka
ikaw lamang ang aking natatanging amasona
na dito sa puso't diwa ko'y aking sinisinta

- gregbituinjr.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Bukrebyu - Banaag at Sikat ni Lope K. Santos

Ano nga ba ang kahulugan ng salitang "tunód"?

Nagrambulan dahil sa kulangot