Kami'y aktibista

Kami'y aktibista, naglilingkod sa uri't bayan
Aktibistang marangal, may prinsipyo, lumalaban
Magiting sa harap ng pagsubok, naninindigan
Iniisip lagi'y kagalingan ng sambayanan

Yamang wala kaming mga pag-aaring pribado
At naniniwalang dapat pantay lahat ng tao
Kumikinang na ginto'y walang halaga sa mundo
Tanging mahalaga'y maglingkod, pagpapakatao

Iorganisa natin ang hukbong mapagpalaya
Bulok na sistema'y ibasura ng manggagawa
Igiit nating dapat kalagin ang tanikala
Sosyalismo'y itayo, kapitalismo'y isumpa

Tibak kaming nais palitan ang sistemang bulok
At ilagay na ang dukha't manggagawa sa tuktok

- gregbituinjr.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Bukrebyu - Banaag at Sikat ni Lope K. Santos

Ano nga ba ang kahulugan ng salitang "tunód"?

Nagrambulan dahil sa kulangot