Butas na ang bulsa, butas din ang suot na medyas

Butas na ang bulsa, butas din ang suot na medyas
Di na mawari ang kalagayan sa Pilipinas
Sa lansangan ay kayraming inosenteng inutas
Habang ina'y lumuluha sa mapait na danas

Butas na nga ang medyas, aba'y butas din ang bulsa
Gaano man magsikap, buhay pa ri'y nasa dusa
Sweldo'y kaybaba, lakas-paggawa'y binabarat pa
Habang may natutuwang may tokhang, itinutumba

May mahilig mangulangot, pinapahid sa pader
Habang tulala sa ginagawa ng nasa poder
Kayraming gago, tiwali, gahaman, ala-Hitler
Ganyan na sa bayan ko, karapata'y minamarder

Butas na medyas ba'y pagtitiyagaang tahiin?
O palitan na lang ito't bagong medyas ay bilhin?
Lugmok na bayan ko'y paano ba pababangunin?
Kung malalim ang baha'y paano patatawirin?

- gregbituinjr.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Bukrebyu - Banaag at Sikat ni Lope K. Santos

Ano nga ba ang kahulugan ng salitang "tunód"?

Nagrambulan dahil sa kulangot