Aanhin pa raw ang damo kung patay na ang adik

Aanhin pa raw ang damo kung patay na ang adik
Nakahandusay sa daan, ang mata'y pinatirik
Ginawang krimen ay hinuhugasan lang sa putik
Mga tinuring na salot ay pinaslang ng lintik
Gutom ba sa damo ang mga adik na pinaslang?
At ang bituka ba ng mga tulad nila'y halang?
Kinunsinti ba sila ng pamilya't hinayaan?
Upang makadama pa rin ng pag-ibig ang hunghang?
Laging bangag araw at gabi, ano bang problema?
Ang tulad ba nila'y tamang patayin na lang basta?
Na karapatang pantao'y binabalewala na?
Ganitong pagtokhang sa masa'y bakit nanalasa?
Oo, tokhang ay maling prosesong dapat pigilin!
Tokhang ay salot tulad ng adik sa bayan natin!

- gregbituinjr.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Kwento: Minsan, sa isang demolisyon

Bukrebyu - Banaag at Sikat ni Lope K. Santos

Sa landas ng tatlong bayan