sa huling sandali ng buhay ko'y tutula pa rin
mga layunin sa uri't bayan ay tutuparin
sa pagsasamantala't pang-aapi'y tutol pa rin
katiwalian ay patuloy na tutuligsain
mamamatay akong layunin ko'y aking nagawa
na bawat isa'y nagkakaisa't mapagkalinga
na maorganisa bilang uri ang manggagawa
na kalikasan at paligid ay mapangalaga
mga tulang may adhika ay aking maiiwan
tulang kritikal, nakikibaka, para sa bayan
tulang para sa uring manggagawa, at palaban
na naglalarawan ng mga isyung panlipunan
tutula pa rin sa huling sandali ng buhay ko
ambag sa pagtatayo ng lipunang makatao
tutula laban sa mapang-aping kapitalismo
tulang lalaban sa pagsasamantala sa mundo
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
DALIT laban sa pesticide gas
DALIT laban sa pesticide gas Gaano kasiraulo ang mga gumawâ nito? Yaong pabor sa negosyo pinesticide gas ang tao! Sa World War I ay ...
-
MGA BIGATING PUGANTE'Y DI PA MAHULI nagigisa ang PNP at DILG sapagkat ang dalawang bigating pugante hanggang ngayon ay di pa nila nahuhu...
-
ANG AWITING "ISANG KAHIG, ISANG TUKA" Munting sanaysay ni Greg Bituin Jr. Inilarawan ng awiting "Isang Kahig, Isang Tu...
-
Inihanda at ibinidyo ng inyong lingkod para sa zoom meeting ng Kamayan Forum, sa hapon ng Marso 19, 2021. Naka-upload ang video sa facebook...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento