Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Setyembre, 2019

Labanan ang mga taong plastik

tapon dito, tapon doon, naglutangan ang plastik sa ilog at dagat nagtatapon ang taong plastik sinabihan na silang huwag magtapon ng plastik o-oo lang, magtatapon pa rin, talagang plastik ilog at dagat ay dapat nating pangalagaan  ingatan nating lagi ang ating kapaligiran ang simpleng pagtatapon nga sa tamang basurahan ay di pa magawa kahit ng may pinag-aralan dapat nang ihiwalay ang basurang nabubulok sa basurang nare-resiklo at di nabubulok kaya natin itong gawin dahil di tayo bugok kaya ibasura na natin ang sistemang bulok kayraming isyu sa kalikasan, ilog at dagat itatayo'y Kaliwa Dam, tubig daw ay di sapat sa kaalaman ba't mga plano, sila ba'y salat paninira sa kalikasan ay sadyang kaybigat pangangalaga nito'y di sapat alam lang natin dapat mayroong aktibong pagkilos tayong gawin kalikasa'y depensahan, magandang simulain ang nag-iisa nating mundo'y protektahan natin - gregbituinjr. * Kinatha sa pagtitipon

Di ako de-kotse, paa lang ang gamit ko

aba'y di ako de-kotse, paa lang ang gamit ko laging naglalakad di lang dahil ito ang uso di kasi elitista, dukha ang buhay sa mundo isang mamamayang walang pag-aaring pribado buti't walang kotse, di gagamit ng gasolina walang luho sa katawan, gamit ko lang ay paa upang marating ang pupuntahan, walang disgrasya basta't maingat sa bawat tatawiring kalsada dapat kumain ng bitamina, maging matatag sa mahabang lakaran, mineral din ay idagdag kumain ng tama nang katawan ay di matagtag magpahinga rin paminsan-minsan nang di mangarag tulad kong di de-kotse'y mamamasahe lang minsan di bumili ng kotse upang buhay ay umalwan sa organisador tulad ko, paa'y kailangan pagkat magaan ang pagkilos sa paroroonan - gregbituinjr.

Pag tinatakang "gera", ayos na bang pumaslang?

dahil ba tinatakan nila ng salitang "gera" ang karapatang pantao'y binabalewala na? karapatan ba ng kapwa mo'y wala nang halaga? walang kara-karapatan dahil "gera sa droga"? naglipana yaong ulupong sa pamahalaan klima ng hilakbot ang pinaiiral sa bayan ang makakita ng dugo'y kanilang kasiyahan mga halimaw na wawasak sa iyong kalamnan wala na nga ba silang alam kundi ang pumatay? na animo'y baboy lang ang kanilang kinakatay wala na ba silang pagpapahalaga sa buhay ng kanilang kapwa, walang prosesong binibigay? dahil tinatakan ng "gera", pwede nang pumaslang aba'y ganyan ang nangyari sa bansang tinotokhang hay, pag namumuno'y halimaw at bituka'y halang dapat lang siyang patalsikin, palitan, dapat lang - gregbituinjr.

Sa huling sandali ng buhay ko'y tutula pa rin

sa huling sandali ng buhay ko'y tutula pa rin mga layunin sa uri't bayan ay tutuparin sa pagsasamantala't pang-aapi'y tutol pa rin katiwalian ay patuloy na tutuligsain mamamatay akong layunin ko'y aking nagawa na bawat isa'y nagkakaisa't mapagkalinga na maorganisa bilang uri ang manggagawa na kalikasan at paligid ay mapangalaga mga tulang may adhika ay aking maiiwan tulang kritikal, nakikibaka, para sa bayan tulang para sa uring manggagawa, at palaban na naglalarawan ng mga isyung panlipunan tutula pa rin sa huling sandali ng buhay ko ambag sa pagtatayo ng lipunang makatao tutula laban sa mapang-aping kapitalismo tulang lalaban sa pagsasamantala sa mundo - gregbituinjr.

Di maaaring buhay nati'y laging nasa piging

di maaaring buhay nati'y laging nasa piging dahil tayo'y tagumpay sa ating napiling sining na pulos ginto't mayayaman ang laging kapiling ang luho'y balewala sa ating burol at libing kung yumaman ka lang dahil sa pagsasamantala ano ka? walang budhing mapang-api't mapangdusta? binarat ang sahod ng manggagawa sa pabrika pinagtrabaho ang obrero tulad ng makina dahil sa pribadong pag-aari'y binalewala ang pagpapakatao't pakikitungo sa madla masisipag na dukha'y tinuring na hampaslupa habang sa kayamanan, tuso'y nagpapakasasa balewala lahat ng mga natamong tagumpay kung ginawa'y pang-aapi't di makataong tunay may kapayapaan ba ang puso nilang namatay gayong wala na silang dangal doon man sa hukay - gregbituinjr.

Sa mga nagbahagi ng karanasan sa Ondoy

Imahe
hinggil sa nangyaring bagyong Ondoy, sila'y nagkwento sa ikasampung anibersaryo ng bagyong ito sinariwa ang daluyong ng nasabing delubyo na sa maraming lugar ay lubhang nakaapekto maraming salamat sa kanila't ibinahagi yaong mga karanasang sadyang nakaduhagi sa takbo ng buhay nila't talagang naglupagi lalo"t nakaranas ay nalugmok at nangalugi sa loob ng anim na oras, lubog ang Maynila at mga karatig probinsya'y tuluyang binaha kayraming nalubog sa delubyong kasumpa-sumpa maraming gamit ang nabasa, buhay ay nawala may aral tayong natutunan sa araw na iyon tayo'y nagbayanihan, naglimas buong maghapon habang ginugunita natin ang naganap noon ay dapat paghandaan ang krisis sa klima ngayon karanasan sa bagyong Ondoy ay kasaysayan na dapat tayong maghanda sa bagong emerhensiya sa pagtindi ng mga bagyo, tayo ba'y handa na sa darating pang pagkilos, lumahok, makiisa - gregbituinjr. * Nilikha ang tula matapos magbahagi ng karanasan sa bagy

Barakong Gala

nabuburyong ang barakong gala sa kabukiran wala kasing madigahang dalagang bukid doon kaya naisip nitong magtungo sa kalunsuran pumasyal sa mga plasa't maghapong maglimayon baka roon ay may dumalagang pagala-gala at kiri kung kumembot ang kurbada nitong baywang ang natagpuan niya'y dilag na napariwara na sa angking puri'y wala man lamang nagsanggalang sadyang kayhirap maburyong sa ilalim ng langit tila baga may malagim sa malamig na gabi iniisip ang dilag na di gaanong marikit na mata'y nangungusap, kaysarap masdan sa tabi dito sa magulong mundo'y anong dami ng gulong tila ang bawat isa'y kumakaripas ng takbo mga paa'y nag-uunahan, pawang urong-sulong ito na nga ba ang tinatawag nilang progreso - gregbituinjr.

Ang talumpati ni Greta Thunberg sa Kongreso ng Amerika

Imahe
TALUMPATI NI GRETA THUNBERG SA KONGRESO NG AMERIKA Setyembre 18, 2019 Malayang salin ni Greg Bituin Jr. Ang pangalan ko ay Greta Thunberg. Ako'y labing-anim na taong gulang at mula sa Sweden. Nagpapasalamat ako't kasama ko kayo rito sa Amerika. Isang bansang para sa maraming tao'y bansa ng mga pangarap. Mayroon din akong pangarap: na magagap ng mga pamahalaan, partido pulitikal at korporasyon ang pangangailangan ng agarang pagkilos hinggil sa krisis sa klima at ekolohiya at magsama-sama sa kabila ng kanilang pagkakaiba - tulad ng gagawin mo sa isang kagipitan - at gawin ang mga kinakailangang hakbang upang mapangalagaan ang mga kondisyon para sa buhay na may dignidad para sa lahat ng tao sa daigdig. Nang sa gayon - kaming milyun-milyong nag-aaklas na kabataan mula sa paaralan - ay makabalik na sa paaralan. May pangarap akong ang mga nasa kapangyarihan, pati na rin ang midya, ay simulang tratuhin ang krisis na ito tulad ng umiiral na emerhensiyang it

Mga biktima ng hazing nawa'y bigyang hustisya

Bakit may hazing? Bakit sa kapwa'y may nananakit? Akala ko, kapatiran iyong may malasakit! Bakit dinulot sa kapatid ay dusa't pasakit? Namatay sa hazing o pinatay sa hazing? Bakit? Kapatiran iyon! Kapatid ang dapat turingan! May inisasyon para sa papasok sa samahan May inisasyon din pati plebo sa paaralan Mga inisasyong pagpaparusa sa katawan Ano bang silbi ng hazing sa mga bagong pasok? Hazing ba'y upang makapasa sila sa pagsubok? Bakit dapat dumaan sa palo, tadyak at suntok? Upang kapatiran lang nila'y dumami't pumatok Di pala sapat ang batas na itigil ang hazing Di dapat gawing kultura ng samahan ang hazing Ngunit may piring pa rin ang katarungan, may piring Nawa'y mabigyang hustisya ang biktima ng hazing - gregbituinjr.

Ang plantang coal ay bikig sa lalamunan

Imahe
ang hinaing ng bayan ba'y di mo pa naririnig na winawasak ng plantang coal ang ating daigdig dahil dito'y di pa ba tayo magkakapitbisig upang tutulan ang plantang coal na nakakabikig dahil sa plantang coal ay nagmamahal ang kuryente habang tuwang-tuwa naman ang mga negosyante limpak-limpak ang tinutubo, sila'y sinuswerte habang sa simpleng masa, ang plantang coal ay kayrumi mag-renewable energy, tigilan ang plantang coal aba'y dapat pakinggan ang matinding pagtutol ng mamamayan, bago pa sa panahon magahol sa kuryenteng kaymahal, masa'y kapos sa panggugol dahil sa plantang coal, kalikasan ay nasisira sa paghahanap ng panggatong, isla'y ginigiba tulad sa Semirara na hinalukay ang lupa nangitim din ang dagat sa Balayan at Calaca sa climate change, ang plantang coal ang pangunahing sanhi atmospera'y binutas, emisyon nito'y kaysidhi kung sanhi'y plantang coal, paano ito mapapawi sa malaking pagsira nito'y paano babawi halina&

Naririto lagi kaming aktibistang Spartan

aktibistang Spartan kaming nariritong lagi nang ugat ng kahirapan ay tuluyang mapawi marapat nang tanggalin ang pribadong pag-aari pagkat sa pagsasamantala't pagkaapi'y sanhi kaming aktibistang Spartan lagi'y naririto upang sagupain ang bagsik ng kapitalismo na laging yumuyurak sa karapatang pantao na makina't di tao ang pagtingin sa obrero laging naririto kaming Spartang aktibista na naghahangad baguhin ang bulok na sistema pinasok ang makipot na landas para sa masa at uring obrero'y patuloy na maorganisa naririto lagi kaming aktibistang Spartan na sinanay upang depensahan ang uri't bayan - gregbituinjr.

Di man magaling mangumbinsi

di talaga ako magaling sa pangungumbinsi ang kinausap ko'y di ko mapasama sa rali kahit maganda ang isyu't dapat silang kumilos tila baga ang nais lang nila'y ang magparaos marahil kailangan ko'y alas o panggayuma upang kumbinsihin silang baguhin ang sistema at tibak akong di rin mahusay magtalumpati kung di makapangumbinsi'y paano magwawagi sa tiyagang mag-organisa ako pa ba'y kapos mga isyu'y paulit-ulit, di matapos-tapos paano ba oorganisahin ang laksang masa kundi alamin muna ang isyu nila't problema at mula roon sa masa na'y makikipamuhay sa kanila'y ipaliwanag ang prinsipyong taglay ipakitang lingkod ng bayan, nagpapakatao nagpopropaganda, nag-iisip, at nagpaplano nakikiisa sa kanilang laban at layunin habang ipinaliliwanag ang prinsipyong angkin dapat ipagtagumpay ang ating pakikibaka at pagkaisahin ang manggagawa't magsasaka iwawaksi rin natin ang pribadong pag-aari pagkat ito ang siyang ugat ng pang-aaglahi p

Hustisya sa mga batang biktima ng tokhang

Anong sakit sa kanilang loob bilang magulang nang anak nilang inosente'y nadamay sa tokhang. Di maubos-maisip bakit anak ay pinaslang na edad pito, lima, apat, tatlong taong gulang. Ating tandaan ang ngalang Danica Mae Garcia, Althea Barbon, Michael Diaz, Sonny Espinosa, Aldrin Castillo, Joshua Cumilang, Francis Mañosca, Angel Fernandez, Carl Arnaiz, at myka Ulpina. Naririyan din ang pangalang Kian Delos Santos, Kristine Joy Sailog, Angelito Soriano, Jayross Brondial, Sañino Butucan, Jonel Segovia, musmos pa sila't marami pang batang buhay ay tinapos! Dulot ng mga pumaslang sa kanila'y ligalig Ginawa sa kanila'y dapat mapigil, malupig Hustisya sa mga pinaslang! Ito'ng ating tindig Panagutin ang mga maysalang dapat mausig! - gregbituinjr. * tulang binigkas ng makata sa rali kaugnay sa ika-47 anibersaryo ng batas militar na ginanap sa basketball court ng Christ the King, E. Rodriguez, QC, Setyembre 21, 2019. Pinaghalawan:

Batas militar, maraming hinuli't ikinulong

Batas militar, maraming hinuli't ikinulong dahil nagsikilos, pakikibaka'y isinulong at nilabanan ang diktador na isang ulupong na sa karahasan ng kamay na bakal nalulong totoo, marami ang nakibakang aktibista kasama'y estudyante, manggagawa, magsasaka katutubo, kababaihan, mangingisda, masa sa adhikaing mabago ang bulok na sistema subalit nagalit ang diktador, sila'y tinudla dinakip, ikinulong, ginahasa, iwinala nakapiit ay tinortyur, sinaktan, natulala isang bangungot ang batas militar, isang sumpa kahapong iyon ay sadyang kaytinding karahasan walang karapatang pantao, kahit sa piitan ang mga aral nito'y huwag nating kalimutan "Never Again! Never Forget!" ang ating panawagan - gregbituinjr. * nilikha at binigkas ng makata sa rali kaugnay sa ika-47 anibersaryo ng batas militar na ginanap sa basketball court ng Christ the King, E. Rodriguez, QC, Setyembre 21, 2019.

Panawagan ng maralita

Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod samahan ng dukhang masipag, nagpapakapagod nang makakain, mapag-aral, anak ay malugod pamilya'y ginagapang, magtagpi man ng alulod ang nais namng maralita'y pampublikong pabahay na ayon sa kakayahan ng dukha'y mabayarang tunay di barungbarong, kundi ang materyales ay matibay may bentilasyon, at bahay na mapaghihingahang tunay - gregbituinjr. * kinatha ng makata at binasa sa programa sa rali sa ika-47 paggunita sa martial law sa Pilipinas, 9/21/2019

Winawasak ng kapitalismo ang ating mundo

Imahe
winawasak ng kapitalismo ang ating mundo sinisira nito ang ating buong pagkatao nilalason ang sakahan sa pagmimina nito kabundukan natin ay tuluyan nang kinakalbo para sa higit na tubo'y wasak ang kalikasan todo-todong pinipiga ang ating likasyaman ginagawang subdibisyon ang maraming sakahan ginawang troso ang mga puno sa kagubatan dahil sa plantang coal, mundo'y patuloy sa pag-init tataas ang sukat ng dagat, mundo'y nasa bingit tipak ng yelo'y matutunaw, delubyo'y sasapit kapitalista'y walang pakialam, anong lupit di lamang sobrang pinipiga ang lakas-paggawâ ng manggagawa, kundi kalikasa'y sinisirà lupa'y hinukay sa ginto't pilak, at ang masamâ katutubo pa'y napalayas sa sariling lupà mula nang Rebolusyong Industriyal ay bumilis ang sinasabing pag-unlad na sa tao'y tumiris pati mga lupa'y pinaimpis nang pinaimpis upang makuha lamang ang hilaw na materyales likasyaman ay hinuthot nang gumanda ang buhay maling

Katarungan sa mga pinaslang na environmental defenders!

Imahe
pinakamapanganib na lugar ang Pilipinas kung usapin ng pagtatanggol ng kapaligiran sa environmental defenders, maraming inutas pagkat ipinagtatanggol nila ang kalikasan siyam na magtutubo ang minasaker sa Negros apat na babae't dalawang bata ang pinulbos may walong katutubo ng Tamasco ang inubos binira raw sila ng kung sinong berdugong bastos sina Leonard Co at Gerry Ortega'y pinaslang Jimmy Liguyon, Juvy Capion, iba pang pangalan Pops Tenorio, Romeo Sanchez, inutas ng halang mga makakalikasang ang buhay ay inutang katarungan sa mga environmental defender! nawa'y madakip na't makulong ang mga nag-marder! - gregbituinjr. * nilikha ng makata upang basahin sa rali sa DENR, Setyembre 20, 2019 Pinaghalawan ng ilang datos: https://www.rappler.com/nation/236604-philippines-deadliest-country-environmental-activists-2018 https://www.rappler.com/science-nature/environment/208069-number-environmental-activists-killed-2017-global-witness-report https://www

Mga makabagong kasabihan

MGA MAKABAGONG KASABIHAN anumang lakas ng hangin kaya nating salungatin di tayo mga alipin dito sa ating lupain huwag maging hipong tulog sa inaanod sa ilog ilagan ang pambubugbog nang katawa’y di madurog anumang kapangyarihan ay pansamantala lamang kayang mag-alsa ng bayan laban sa gagong iilan sa balut at pansit-luglog tuhod mo'y di mangangatog ang sa pansitan natulog mag-ingat baka mauntog di tulugan ang pansitan kaya mag-ingat sa daan umuwi ka sa tahanan at maybahay ang sipingan mandaragit ay lagi nang nariyan sa kalawakan animo'y nakamatyag lang daragitin ka na lamang ang plakard ma’y namumula sa dugo ng aktibista prinsipyo’y tangan pa niya nang mabago ang sistema mabuti pang maging tibak na sa laban sumasabak kaysa burgesyang pahamak na bayan ang nililibak halina't tayo'y magtanim ng mga punong may lilim ng rosas na masisimsim at ugaling maaatim - gregbituinjr. * nalathala sa pahayagang Taliba ng Maralita, publikasyo

Makikipagkapitbisig ka ba sa mga tibak?

makikipagkapitbisig ka ba sa mga tibak dahil ikaw rin ay dukhang gumagapang sa lusak iginagapang mo rin ba ang iyong mga anak upang makaalpas sa hirap at di hinahamak makikiisa ka ba sa layon ng aktibista na sistema'y baguhin, patuloy na makibaka na bayan ay di na mabuhay sa hirap at dusa na kamtin ang lipunang pantay, malaya ang masa yayakapin mo ba ang aktibistang simulain na bulok na sistema't lipunang ito'y baguhin na buong uring manggagawa'y oorganisahin itatayo ang lipunang magsisilbi sa atin itataguyod mo ba'y diwa ng uring obrero yayakapin ang materyalismo't diyalektiko ikaw ba'y makikipagkapwa't magpapakatao pagkat lipunang makatao'y siyang sosyalismo o nais mo ring maging aktibistang naririyan di lang tagapanood kundi kaisa sa laban upang maging pantay ang tao sa sangkatauhan maging maayos ang kalikasan at daigdigan tara, sa mga tibak ay makipagkapitbisig at sa sosyalistang prinsipyo tayo nang sumandig itatayo'

Hardliner na tibak

anila, isa raw akong hardliner sa pagkilos matinding manindigan laban sa pambubusabos prinsipyado upang labanan ang paghihikahos ng kapwa dukha, pagiging tibak ko'y nilulubos tunay, hardliner ako dahil nais kong magwagi ang sosyalismong adhika laban sa naghahari hardliner ako laban sa pribadong pag-aari na instrumento ng mapang-api't mapang-aglahi hardliner ako't di ko ito ikinakaila pagkat mithing itayo ang lipunang manggagawa na babakahin din ang kapitalistang kuhila dahil mapagsamantala't dukha'y kinakawawa tandaan mo, hardliner ako hanggang kamatayan na sa pagkilos ko'y di mo ako mapipigilan sa pakikibaka ang buhay ko na'y inilaan upang baguhin ang sistema't ang buong lipunan - gregbituinjr.

Mas matimbang ang uri kaysa dugo

ako't tibak, mas matimbang ang uri kaysa dugo prinsipyo'y pinaglalaban, mabasag man ang bungo adhika ang pangunahin, harangin man ng punglo sosyalismong layunin ang sa masa'y sinusuyo sa personal, pag nangutang ng pera sa kapatid tanong nya'y bakit wala akong pera, ang pabatid sa mga kasama, di na magtatanong ng bakit dahil unawa nila ang gawain ko't pasakit sa personal, ani itay, ano bang mapapala sa pakikibaka kundi magdudulot ng hidwa sa mga kasama, binabaka nami'y kuhila iwawaksi'y sistemang bulok at kasumpa-sumpa sa personal, anang asawa'y dapat nang tumigil pamilya ang tutukan, di sistemang mapanupil subalit kikilos ako laban sa mapaniil nang pananalasa ng kapitalismo'y mapigil kaya sa akin, matimbang kaysa dugo ang uri aming wawasakin ang pribadong pagmamay-ari dudurugin ang mapagsamantala't naghahari at itatayo ang sosyalismong kapuri-puri - gregbituinjr.

Bukas na liham sa mga magulang ng aktibista

Imahe
BUKAS NA LIHAM SA MGA MAGULANG NG AKTIBISTA Mula sa kolum na EAGLE EYES ni Tony La Viña 7 September 2019, The Standard Malayang salin mula sa Ingles ni Greg Bituin Jr. Sinulat ko ito para sa lahat ng magulang na may mga anak na aktibista. Isinulat ko rin ito sa aking mga kapwa guro na may mga estudyanteng aktibista. Isa akong estudyante’t kabataang aktibista noong ako'y nasa hayskul at kolehiyo. Ako ngayon ay isang abogadong pangkalikasan na kumikilos sa internasyonal, isang manunulat at iskolar, isang panlipunang negosyante, at isang propesor ng batas, pilosopiya at pamamahala sa labing-isang pamantasan sa Pilipinas at maraming iba pang institusyon sa pag-aaral tulad ng Philippine Judicial Academy at ilang seminaryong Katoliko. Sa nakaraang apatnapung taon, hinawakan ko ang mga nangungunang panlideratong posisyon sa gobyerno, mga organisasyon sa internasyonal, pang-akademiko, propesyonal, at samahan ng mamamayan. Utang ko ang aking propesyonal na tagumpay sa a