nais kong bigkasin ang tula ko sa inyo
tulad ng agilang hinehele ng bagyo
o rosas sa harap ng sawing paruparo
o boksingerong ang mukha'y bugbog-sarado
nais kong bigkasin sa inyo itong tula
na handog sa bawat kapwang nagdaralita
na nagtitiis, lumalaban, lumuluha
upang kamtin ang karapatan at paglaya
tula'y kinatha upang sa inyo'y mabigkas
maging inspirasyon laban sa pandarahas
upang sumigla kayo'y lalo pang lumakas
tumatag ang paninindigan hanggang wakas
tula lang ang kaya kong ibigay sa inyo
habang iisa tayo tungong pagbabago
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Trapo at basahan
TRAPO AT BASAHAN bentador ng bayan ang trapo ang turing sa dukha'y basahan trapo'y nanloloko ng tao ayuda ang nasa isipan ano bang a...
-
ANG AWITING "ISANG KAHIG, ISANG TUKA" Munting sanaysay ni Greg Bituin Jr. Inilarawan ng awiting "Isang Kahig, Isang Tu...
-
INEMURI sa atin, pag nahuling natutulog sa trabaho baka di lang sitahin, sibakin pa ang obrero kaya ka raw nasa trabaho'y upang magtraba...
-
KUNG WALANG SAGOT, MALI BA ANG TANONG? Munting sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr. Sa Enero 14, 2024 isyu ng palaisipang Aritmetik sa pahayag...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento