Miyerkules, Hunyo 26, 2019

Pagkatha

PAGKATHA

di ako ang tipo ng taong walang ginagawa
ayokong sa araw-gabi ako'y nakatunganga
nakatitig man sa kisame ay katha ng katha
isinasatitik ang kanilang inginangawa
bakasakaling makatulong sa inaadhika

- gregbituinjr.
* Nalathala sa pahayagang Taliba ng Maralita, ang opisyal na publikasyon ng Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML), isyu Hunyo 16-30, 2019, p. 20

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Depinisyon nila ng progreso

DEPINISYON NILA NG PROGRESO sinira ang kalikasan minina ang kabundukan kinalbo ang kagubatan para raw sa kaunlaran trato sa puno ay troso ka...