Pahayag ng PLM hinggil sa tubig

PLM statement on the water crisis affecting many residents of Metro Manila

Pahayag ng PLM hinggil sa krisis sa tubig na nakakaapekto sa mga residente ng Metro Manila
(Malayang salin ni Greg Bituin Jr.)

Water is life! Return essential services to public ownership!

Ang tubig ay buhay! Ibalik sa pampublikong pagmamay-ari ang mahahalagang serbisyo!


Partido Lakas ng Masa (PLM) Partylist is calling for the renationalization of water supply, privatized since 1997, in the face of the shortages that are already having a devastating impact on urban poor communities in Mandaluyong and Pasig. 

Nananawagan ang Partido Lakas ng Masa (PLM) Partylist para sa muling pagsasabansa ng suplay ng tubig, na isinapribado noon pang 1997, sa harap ng mga kakulangan sa tubig na mayroon nang nakapipinsalang epekto sa mga komunidad ng mga maralitang lunsod sa Mandaluyong at Pasig.


The response of the two water companies, Maynilad Water Services and the Ayala-owned Manila Water has been pitiful. On March 14, Manila Water announced its response would be to share the shortages throughout its zone. “All of Manila Water customers, whether you live in the eastern part of Metro Manila or Rizal Province, will experience water interruption anywhere between 6 to 18 hours [a day] ... Everybody is going to share,” a company spokesperson told CNN. The cities of Makati, Mandaluyong, Taguig, San Juan, Quezon City, Pasig, Parañaque, Marikina, Manila City, the municipality of Pateros, and Rizal Province are affected. The company has suggested this will continue until May or “until it rains”.

Kahabag-habag ang tugon ng dalawang kumpanya ng tubig, ang Maynilad Water Services at ang Manila Water na pag-aari ng mga Ayala. Noong Marso 14, itinugon ng Manila Water na maibahagi ang kakulangan ng tubig sa buong sona nito. "Ang lahat ng mga konsumador ng Manila Water, nakatira ka man sa silangang bahagi ng Metro Manila o sa lalawigan ng Rizal, ay makakaranas ng pagkawala ng tubig sa pagitan ng 6 hanggang 18 oras [isang araw] ... Lahat ay mahahatian," ayon saisang tagapagsalita ng kumpanya sa CNN. Apektado ang mga lungsod ng Makati, Mandaluyong, Taguig, San Juan, Quezon City, Pasig, Parañaque, Marikina, Maynila, ang munisipyo ng Pateros, at Rizal. Ang kumpanya ay nagsabing magpapatuloy ito hanggang Mayo o "hanggang umulan".


Residents of affected communities in Mandaluyong and Pasig are already being forced to use mineral water for bathing and washing dishes – if they can afford to. The poorest are affected the most. In addition to creating immense hardship, this raises the spectre of a public health catastrophe. On March 14, the National Kidney Transplant Institute (NKTI) announced that it had to cut the number of its dialysis patients because its 1,500-cubic meter water tank had fallen to only around 25% full. Clean, potable water is literally a necessity for life and its lack is a main cause of deadly epidemics and lowered life expectancy throughout the world. 

Ang mga residente ng mga apektadong komunidad sa Mandaluyong at Pasig ay napipilitang gumamit ng mineral na tubig sa paliligo at sa paghuhugas ng mga pinggan - kung may kakakayan silang magbayad nito. Ang pinakamahihirap ang pinakaapektado. Dagdag sa nangyayaring napakalawak na kahirapan, nakapangangamba ang panganib na idudulot nito sa kalusugan ng publiko. Noong Marso 14, inihayag ng National Kidney Transplant Institute (NKTI) na dapat nitong bawasan ang bilang ng mga pasyenteng nagdi-dialysis dahil ang tangke nito ng 1,500-metro kubiko ay bumagsak sa halos 25% lamang. Ang malinis, maiinom na tubig ay literal na isang pangangailangan para sa buhay at ang kakulangan nito ang pangunahing sanhi ng nakamamatay na mga epidemya at pinaiikli ang haba ng buhay sa buong mundo.


The Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) has confirmed that Angat Dam still has enough water but that the problems are caused by dilapidated infrastructure and lack of competition between the two corporations that have monopolies in different zones of the capital. In other words, privatization is the problem. 

Kinumpirma ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na ang Angat Dam ay mayroon pa ring sapat na tubig ngunit ang problema'y idinulot ng wasak-wasak na imprastraktura at kawalan ng kumpetisyon sa pagitan ng dalawang korporasyon na may monopolyo sa iba't ibang mga sona ng kabisera. Sa madaling salita, ang problema'y ang pribatisasyon.


“This exposes the cruel lie of neoliberal ideology, which insists that the private sector is more efficient than public ownership. Efficiency in creating profits is not the same in efficiency in providing services, in this case a service necessary for human survival,” PLM Partylist nominee Atty. Aaron Pedrosa said. 

"Inilalantad nito ang malupit na kasinungalingan ng ideolohiyang neoliberal, na nagpipilit na ang pribadong sektor ang mas mahusay kaysa sa pagmamay-aring publiko. Ang kahusayan sa paglikha ng tubo ay hindi kasing-epektibo sa pagbibigay ng mga serbisyo, sa kasong ito ang serbisyong kinakailangan para sa kaligtasan ng mamamayan," ayon kay Atty. Aaron Pedrosa na nominado ng PLM Partylist.


“What does this tell us? That crucial necessities such as water and its provisions should not have been privatized so problems can easily be fixed by public bodies, especially if there’s public/community control. Second, that the cause of bickering between the water companies can only be the greed for profits of these corporations. Water demand has spiked in the Manila Water zone also because of the booming Ayala real estate construction. Manila Water is owned by the Ayalas, so there’s no water shortage there. Poorer communities are the ones suffering,” PLM Chairman Sonny Melencio said.

"Ano ang sinasabi nito sa atin? Ang mga kritikal na pangangailangan tulad ng tubig at mga probisyon nito ay hindi dapat na isapribado upang ang mga problema ay madaling maayos sa pamamagitan ng mga pampublikong lupon, lalo na kung kontrolado ng publiko / komunidad. Ikalawa, na ang sanhi ng pag-aaway sa pagitan ng mga kumpanya ng tubig ay dahil sa kasakiman para sa tutubuin ng mga korporasyong ito. Ang pangangailangan ng tubig ay dinagdag sa sona ng Manila Water dahil sa konstruksyon ng real estate ng Ayala. Pag-aari ng mga Ayala ang Manila Water, kaya walang kakulangan ng tubig doon. Ang mga mas nagdaralitang komunidad ang siyang naghihirap," sabi ni Ka Sonny Melencio, ang tagapangulo ng PLM.


While Manila Water has dismissed as “conspiracy theories” speculation that the crisis is being manipulated to justify the controversial Kaliwa Dam project, the evidence is suggestive. The corporations are set to be its main beneficiaries while its costs will be born through Chinese loans that will become public debt.

Habang binabalewala ng Manila Water ang "mga teoryang konspiratoryal" na minamanipula ang krisis upang bigyang-katwiran ang kontrobersiyal na proyektong Kaliwa Dam, na ipinahihiwatig ng katibayan. Nakatakdang maging pangunahing mga benepisyaryo nito ang mga korporasyon habang ang mga gastos nito ay magmumula sa mga pautang ng Tsina na magiging pampublikong utang.


Melencio described the timing of the crisis as “suspicious — right when the government is justifying the P12.2 billion China-funded Kaliwa Dam, coupled with all its irregularities, to purportedly ease the water crisis.”

Inilarawan ni Melencio ang tiyempo ng krisis bilang "kahina-hinala - habang ginagarantiyahan ng gubyerno ang P12.2 bilyong pinondohan ng Tsina na Kaliwa Dam, kasama ang lahat ng mga iregularidad nito, upang maibsan ang krisis sa tubig."


PLM is campaigning for all public services to be publicly owned and democratically controlled. It is literally a matter of life and death. And with the increasing unpredictability of the weather due to climate change, allowing water supply to remain hostage to corporate profits will have catastrophic consequences.#

Ikinakampanya ng PLM para sa lahat ng mga pampublikong serbisyo na maging pag-aari ng publiko at demokratikong makontrol. Literal itong isang bagay ng buhay at kamatayan. At sa pagtaas ng di-mahulaang panahon dahil sa pagbabago ng klima, na pinahinintulutang ang suplay ng tubig aymanatiling sakal sa leeg ng  mga tubo ng korporasyon, na magdudulot ng malubhang kapahamakan.#

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Bukrebyu - Banaag at Sikat ni Lope K. Santos

Sa landas ng tatlong bayan

Ano nga ba ang kahulugan ng salitang "tunód"?