Huwag hayaang magsasaka'y mawalang tuluyan
HUWAG HAYAANG MAGSASAKA'Y MAWALANG TULUYAN ang magtanim ay di biro't maghapong nakayuko anang isang awiting Pinoy, tanong ko naman po paano kung wala nang magtanim, ito'y di biro paano kung magsasaka'y tuluyan nang maglaho magsaka'y gawa lang ba ng matatanda sa nayon pagkat magsaka'y di gusto ng bagong henerasyon? palipasan na lang ba ng senior citizen ngayon ang magsaka sa lupa't maputikan man maghapon? paano na itong bigas sa panahong darating kung pawang matatanda na ang magsasaka natin? paa'y ba'y magpuputik kaya ayaw sa bukirin baka sabihin ng dilag, binata'y marurusing di ba't mas mabuting ang palad nati'y magkalipak tanda ng sipag at kayang buhayin ang mag-anak mabuting magsikap, mag-araro man sa pinitak di gawaing masama't di gumagapang sa lusak halina't magsuri't pag-aralan itong lipunan ang pagsasaka'y sagot pa rin sa kinabukasan huwag hayaang magsasaka'y mawalang tuluyan dapat kahit