Kaya ko pa bang maging makina?
KAYA KO PA BANG MAGING MAKINA? i humihina na ang aking mga piyesa nagmahal kasi ang presyo ng gasolina subalit kaya ko pa bang maging makina lalo't mga bakal ko'y kinakalawang na lalong pupurol pag di na ako nagamit ang kasuluk-sulukan ko'y lagyan ng fluid sa mga kinakalawang, grasa'y ipahid pihitan ko'y dapat magaan pag pinihit ii nag-operator noon ng AIDA Press Machine ang karanasang iyon ay tatlong taon din sa pabrikang Hapon ay iyon ang gawain talubatâ pa noon nang doon hasain ngunit walâ na ang pinagtrabahuhan ko isang gunitâ na lang ang pabrikang PECCO tatlong dekada na'y nagdaan, naisip ko ngayon, matandâ na ako't di na obrero iii dapat palitan ang nanginginig na kamay makina'y bubulok pag hinayaang tunay na pag di nalilinis, ito'y nalulumbay kahit makina, dapat malusog ang lagay - gregoriovbituinjr. 04.06.2026 * PECCO - Precision Engineered Components Corporation