Pagpunta sa apat na lugar ng protesta
PAGPUNTA SA APAT NA LUGAR NG PROTESTA mula Luneta, Mendiola, Edsa Shrine hanggang PPM ay inikot ko ang mga iyon upang ikampanya ang December 9 International Anti-Corruption Day nagbabakasakaling mapabatid sa taumbayan ang pandaigdigang araw laban sa katiwalian ang apat na lugar ng protesta'y aking pinuntahan habang tangan ko yaong tarpolin na magkabilaan nalitratuhan, nabasa ng tanan, kinapanayam paalalang ang UN ay may petsang pandaigdigan laban sa mga mandarambong, kurakot at gahaman umaga, Luneta; tanghali, Mendiola; hapon, Edsa Shrine at PPM hanggang gabi, sana nama'y magbunga ang kapangahasan ko't magsilabasan sa kalsada lahat ng galit sa kurakot at bulok na sistema wakasan ang korapsyon, hanggang makamtan ang hustisya - gregoriovbituinjr 11.30.2025 * ang unang litrato ay kuha ni kasamang Warren nang magkita kami sa People Power Monument (PPM) ng hapon ng Kaarawan ni Bonifacio, ang ikalawa'y selfie ng makatang galâ