Centrum, pandesal at Revicon

CENTRUM, PANDESAL AT REVICON payak lamang yaring pamumuhay subalit narito't napagnilay katawan ay palakasing tunay sa kabila ng danas na lumbay kaya aking inalmusal ngayon ay Centrum, pandesal at Revicon lumakas at ituloy ang misyon bagamat gunita ang kahapon sapagkat kayrami pang gagawin unang nobela pa'y kakathain kathang maikling kwento'y tipunin pati na mga ginawang salin balak tapusing pagsasaaklat ng tula't anumang nadalumat ng kwento't sanaysay na nasulat habang patuloy na nagmumulat - gregoriovbituinjr. 07.12.2025