Pagsakit ng kanang balikat
kahapon, sumakit ang kanyang kanang balikat na di na niya maigalaw dahil sa istrok na tila na-dislocate, o kaya'y napilayan payo ng doktor kagabi, ipa-xray agad sana'y hindi iyon panibagong karamdaman bagamat matagalan pa raw yaong gamutan sana'y makalabas na rin kami sa ospital na higit isang buwan na rin, gayon katagal ibig ding sabihin, iyon na'y nakararamdam may pakiramdam na ang kanang naapektuhan kung tutuusin, magandang senyales na iyan upang aking asawa'y gumaling nang tuluyan naka-iskedyul na ang xray ngayong umaga kaya maaga akong gumising, naghanda na hinihintay lang kung sinong susundo sa kanya at sana'y maging maganda naman ang resulta - gregoriovbituinjr. 05.16.2025