Sino si Norman Bethune?
SINO SI NORMAN BETHUNE? Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Kasintunog ng apelyido kong Bituin ang Bethune (na binibigkas umano na silent e, tulad ng Betun). Nabasa ko noon ang buhay ni Norman Bethune bilang isang doktor na mula sa Canada. Nabanggit ang kanyang pangalan sa Limang Gintong Silahis o Five Golden Rays na sinulat ni Mao Zedong. Tungkol ito sa pagkilala kay Bethune nang mamatay siya, at binigyan ng luksang parangal. Isang doktor ng rebolusyong Tsino si Norman Bethune. Tulad ng doktor na si Che Guevara, na isinalin ko ang kanyang akdang Rebolusyonaryong Medisina, pumasok sa utak ko si Norman Bethune. Nagsaliksik pa ako hinggil sa kanya, lalo na't naglingkod siya sa Partido Komunista ng Tsina bilang siruhano o surgeon. Dalawang doktor na naglingkod sa masa, na muling binabalikan ko ngayon, dahil na rin sa pagkakaratay ni misis sa ospital. Habang ako naman ay isang aktibistang nagrerebolusyon kasama ng uring manggagawa. Dalawa silang inspirasyon hinggil sa