Okra na naman
OKRA NA NAMAN sa sikmura ko, ang karne'y di na kayang tanggapin nakita na akong suka ng suka pagkakain noon, akala ko, dahil lang sa mamantikain ang ulam at nagsusuka pag dumami ang kain ako nga'y tinanong nang mapansin ito ni misis at nagbiro pa siyang baka ako raw ang buntis hanggang pinagtapat sa kanya ang di na matiis kaya raw pala maraming pagkaing napapanis payo noon ni ina sa teks kong isinagawa aba'y tigilan ang pagkain ng mamantika habang si Ate'y nag-teks din at nagpayo ring kusa na sa kalusugan nga'y huwag nang magpapabaya subalit natagpuan ko rin ang tanging solusyon pagkat di isinusuka pag ito ang nilamon okra, petsay, sitaw, siling lara, ginisang kangkong, kamatis, bawang, sibuyas, mustasa, pritong talong kaya nagpasyang mag-vegetarian at budgetarian ngayong hapunan, huwag magtaka, okra na naman na siyang paboritong gulay noong kabataan kaya tara, sa hapunang ito, ako'y saluhan - gregoriovbituinjr. 05.31.2021 (World No Tobacco Day)