Soneto XIII. Mula kay Petrarch

Soneto XIII. Mula kay Petrarch Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr. 16 pantig bawat taludtod O, ilagay mo ako sa naglalagablab na buwan Na pinagbawal humihip ang nalalantang bulaklak; O ilagay mo ako sa napakalamig na lunan Sa mga kabundukan ng nyebeng walang katapusan: Hayaan mong hanapin ko'y hakbang tungong katanyagan, O ang mas mahirap tahaking landas ng Kahirapan; Paagusin ang pagkabatang kay-init sa'king ugat, O animnapung taglamig sa dugo ko'y kumaligkig: Kahit ang diwang ginigiliw sa Langit ay lumipad, O kahit mawalan na ng saysay dito sa daigdig, Bilangguan o kalayaan - di kilala o sikat, Ang iwi kong puso, O, Laura! ay nasa iyo pa rin. Kung saanman ang patutunguhan niring kapalaran Patuloy pang mag-aalab ang pusong tapat sa iyo! Ang makatang Italyanong si Petrarch (Hulyo 20, 1304 - Hulyo 19, 1374) Sonnet XIII. From Petrarch OH! place me where the burning moon Forbids the wither'd flower to blow; Or place me in the frigid zone, On...