Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Abril, 2019

May trapong di magsisilbi sa bayan

Imahe
MAY TRAPONG DI MAGSISILBI SA BAYAN may trapong sadyang di magsisilbi sa bayan kundi lang sa sarili sa trapo, bayan kaya'y iigi? o baka sumama kaysa dati? maganda raw ang kutis at pisngi ngunit kung umasta'y mapang-api trapong di makalinis ng dumi tiwali'y lalo lang dumarami paano kung trapo'y negosyante na ugali nang may sinusubi negosyo lang ang kinakandili ang bayan kaya'y mapapakali pag nanalo'y ngingisi-ngisi ngunit gobyerno'y di mapabuti sa hinaing ng bayan ay bingi sa isyung pangmasa'y napipipi pag tinalo'y tiyak na gaganti lalo na't gumastos ng malaki tiyak babawi ng anong tindi ganyan ba'y kandidatong mabuti? - gregbituinjr.

Bakit may luksang parangal?

Imahe
BAKIT MAY LUKSANG PARANGAL? Maikling sanaysay ni Greg Bituin Jr. Nakayayanig ang malamang namatay ang limang kasama sa pakikibaka sa loob lamang ng halos dalawang linggo. Isang lider ng KPML si Doreen Mendoza na namatay sa sakit noong Marso 26, 2019. Si Benjie Resma, pangulo ng Partido Lakas ng Masa - Tatalon chapter ay binawian ng buhay noong Abril 5, 2019. Si Ka Richard Lupiba ng ZOTO / KPML ay yumao naman noong Abril 6, 2019. Si Ka Cesar Bristol, Bise Presidente ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino - Timog Katagalugan (BMP-ST) ay sumakabilang-buhay noon ding Abril 6, 2019. At si Larry Labian na nasa gawaing teatro ay namatay naman ng Abril 9, 2019. Sa lahat ng ito, nagbigay ang mga kasama ng luksang parangal bilang pagpupugay sa mga kasamang namatay. Naging tradisyon na ng kilusang paggawa, kilusang sosyalista, at/o kilusang rebolusyonaryo na mag-alay ng luksang parangal sa kasamang namatay. Kadalasang ginagawa ito sa huling araw ng lamay, dahil kinabukasan na ay ililibing. Ma

Bihira ang nabibigyan ng pagkakataong maging aktibista

Imahe
BIHIRA ANG NABIBIGYAN NG PAGKAKATAONG MAGING AKTIBISTA bihira lang ang nabibigyan ng pagkakataong maging aktibista't ialay ang kanyang panahon at buhay sa magagandang adhikain at layon upang tuluyan nang baguhin ang sistema ngayon pag nabigyan ka ng pagkakataong pambihira huwag mong sayangin, maglingkod kang tunay sa madla at makipagkaisa ka sa uring manggagawa pagkat ang maging aktibista'y gawaing dakila marami ang takot, tila nababahag ang buntot maraming nangangambang manuligsa ng kurakot tunay ngang mga aktibista'y di dapat matakot kundi maging makatwiran, matatag, di bantulot tara, maging aktibista, matutong manindigan makibaka para sa pagbabago ng lipunan maging prinsipyado, maging matatag, makatwiran ipaglaban bawat karapatan ng mamamayan mapalad ka kung nabigyan ka ng pagkakataong maging aktibista't ialay ang buong panahon at buhay sa magaganda't dakilang mithi't layon upang tuluyang ibagsak ang mga panginoon! - gregbituinjr.

Tula sa Araw ng Daigdig (Earth Day) 2019

Imahe
TULA SA ARAW NG DAIGDIG, ABRIL 22, 2019 Sinira na ng kapitalismo ang kalikasan Winasak ng sistemang ito ang kapaligiran Kayraming plastik na ginawa upang pagtubuan Kayraming basura na ilog ang pinagtapunan. Para maging troso'y nilagari ang mga puno Mga bundok ay kinalbo para sa tanso't ginto Ginawa'y mga single use plastic para sa tubo Kayrami nang lupang minina, dulot ay siphayo. Dahil sa coal-fired powerplant, kalikasa'y nawasak Pagtatayo pa ng Kaliwa Dam ang binabalak Panahon nang kapitalismo'y palitan, ibagsak Itanim ang bagong sistemang kayganda ng pitak. Ngayong Araw ng Daigdig, halina't magkaisa At tayo'y kumilos upang baguhin ang sistema. - gregbituinjr. * Nilikha at binasa ng may-akda ang tulang ito sa raling pinangunahan ng Philippine Movement for Climate Justice (PMCJ) na nagprograma sa harap ng Department of Agriculture (DA), nagmartsa at nagprograma sa Department of Environment and Natural Resources

Binusog mo ako sa pagkain at pagmamahal

Binusog mo ako sa pagkain at pagmamahal Kaya ako'y iyong-iyo, kasama sa almusal, Sa tanghalian at hapunan, kahit napapagal Ganyan nga ang pag-ibig na marahil magtatagal. Bubusugin din kita sa pagkain at pag-ibig Habang iniigib ko ang sa iyo'y ididilig Sa kabila ng uhaw at gutom ay kapitbisig Kaya di natutuyuan ng laway itong bibig. - gregbituinjr.

Proteksyon laban sa pananakop at pandarambong ng ibang bansa

Imahe
10 PROTEKSYON LABAN SA PANANAKOP AT PANDARAMBONG NG IBANG BANSA papayag na ba tayong magpasakop sa mga Intsik gayong payag ang pangulong pasakop sa mga switik ginagahasa na ang bayan, dapat tayong umimik ipagtanggol ang bayan, ang kalaban ma'y anong bagsik unti-unti nang sinasakop ang ating kapuluan subalit tila ang pangulo'y tatawa-tawa lamang sabi'y Pilipinas daw ay dapat maging lalawigan ng Tsina, wala raw tayong magawa't pasakop na lang kakandidato sa Senado'y dapat wasto lumirip kapakanan ng mamamayan ang dapat nasa isip pangulo man ay parang lasing, sa Tsina'y sumisipsip mamamayan ay dapat gising upang bansa'y masagip dapat proteksyunan ang bayan laban sa pandarambong at sa bantang pananakop nila'y di tayo uurong - gregbituinjr. * Isa sa sampung isyu ng "Karapat Dapat - Karapatan Dapat" para sa mga kandidatong tumatakbo. Ito'y isang kampanyang inilunsad ng ng Philippine Alliance of Human Rights Advocates

Kaunlarang para sa lahat ng mamamayan, hindi ng iilan

Imahe
9 KAUNLARANG  PARA SA LAHAT NG MAMAMAYAN HINDI NG IILAN ating panawagan sa mga kandidatong maangas pati sa mga kandidatong matitino't parehas kaunlaran ay para sa lahat, kayo'y maging patas ito'y para sa bata, babae, pantas, ungas, hudas dapat walang maiwan sa pag-unlad, lahat kasali di lang ito para sa tuso't masibang negosyante dapat kasama sa pag-unlad maging dukha't pulubi ganito ang kandidatong sa bayan ay magsisilbi may respeto sa manggagawang gumagawa ng yaman ng lipunan, may respeto sa magsasakang sa bayan ay nagpapakain tatlong beses bawat araw, buwan o taon man ang bilangin ay laging naririyan mga kandidato'y dapat pangkalahatan tumingin walang maiiwan pagkat lahat ay makakakain - gregbituinjr. * Isa sa sampung isyu ng "Karapat Dapat - Karapatan Dapat" para sa mga kandidatong tumatakbo. Ito'y isang kampanyang inilunsad ng ng Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA) para sa Botoha

Kalikasang malusog at ligtas

Imahe
8 KALIKASANG MALUSOG AT LIGTAS itigil ang pagmimina, igalang ang katutubo mga single-use plastic ay bulto-bulto't halu-halo isdang pulos plastik ang tiyan ay nakapanlulumo upos na lumulutang sa dagat kaya'y maglalaho? polusyon, maruming hangin sa atin ay maglulugmok sa henerasyong ito kayraming mga kalbong bundok minina ang lupain mula talampas hanggang tuktok dahil sa mga coal plants, usok na'y nakasusulasok kung tingin ng bawat kandidato sa puno ay troso tiyak tingin sa paglilingkod sa bayan ay negosyo di ganyan ang karapat-dapat sa bayan magserbisyo di maninira ng mundo ang dapat nating iboto mundong ito'y dapat kalikasang malusog at ligtas dapat mga gawin ninyo'y makakalikasang batas - gregbituinjr. * Isa sa sampung isyu ng "Karapat Dapat - Karapatan Dapat" para sa mga kandidatong tumatakbo. Ito'y isang kampanyang inilunsad ng ng Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA) para sa Botohan 201

Sapat na pagkain, trabaho at pabahay

Imahe
7 SAPAT NA PAGKAIN, TRABAHO AT PABAHAY tiyaking may sapat na pagkain sa bawat lamesa dapat bigyang ayuda ng gobyerno ang magsasaka lalo ngayong isinabatas na ang pagtataripa sa bigas na siyang pangunahing pagkain ng masa di dapat kontraktwal silang masisipag na obrero na dapat regular sa trabaho't may sapat na sweldo dapat kilalanin ang unyon nitong nagtatrabaho at kontraktwalisasyon ay ibasura ngang totoo nais ng mga maralita'y abotkayang pabahay na ayon sa kakayahan nila'y mabayarang tunay di barungbarong, mga materyales ay matibay may bentilasyon, tahanang mapapaghingahang tunay bawat kandidato'y dapat itong isinasaisip upang buhay ng dukha sa karukhaan ay masagip - gregbituinjr. * Isa sa sampung isyu ng "Karapat Dapat - Karapatan Dapat" para sa mga kandidatong tumatakbo. Ito'y isang kampanyang inilunsad ng ng Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA) para sa Botohan 2019, na may hashtag na #sam

Lipunang mapayapa at panatag

Imahe
6 LIPUNANG MAPAYAPA AT PANATAG nais natin ng peace and order, payapang pamayanan di yaong kapayapaang tulad ng nasa libingan di yaong order ng pinunong naglalaway sa tokhang nais natin ay isang lipunang may kapanatagan di isang lipunang tahimik dahil walang naririnig nakatago ang hinaing, tortyur, hikbi, di madinig kundi lipunang payapa, tao'y nagkakapitbisig nagkakaisa sa isang makatarungang daigdig nawa ang "guns, goons, gold" ay tigilan na ng mga trapo lalo ng mga dinastiyang pulitikal na tuso mga nang-aagaw ng lupa, namimili ng boto upang magpayaman sa poder at di nagseserbisyo karapat-dapat na kandidato ang ating piliiin at mula sa mga mandarambong, bayan ay sagipin - gregbituinjr. * Isa sa sampung isyu ng "Karapat Dapat - Karapatan Dapat" para sa mga kandidatong tumatakbo. Ito'y isang kampanyang inilunsad ng ng Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA) para sa Botohan 2019, na may hashtag na #s

Proteksyon para sa mga nagtatanggol ng karapatang pantao

Imahe
5 PROTEKSYON PARA SA MGA NAGTATANGGOL NG KARAPATANG PANTAO mga human rights defender ay dapat lang proteksyunan mula sa pamunuang binababoy ang karapatan mga H.R.D. na patuloy na ipinaglalaban ang wastong proseso,'t makatarungan sa mamamayan tuso ang gobyernong sa ginto't pilak lang humahalik walang pakialam sa tinokhang na mata'y tumurik laging iwinasiwas ang espadang anong bagsik sa kababayan, habang halos maglumuhod sa Intsik libu-libo na'y nawalan ng buhay, nakakatakot pinuntirya din ang H.R.D., nakapanghihilakbot kaytapang sa kababayan, sa dayo'y bahag ang buntot dapat maiwasto na rin ang ganitong mga gusot mga kandidatong karapat-dapat, ito'y isipin at hinaing ng mamamayan ay agad nilang dinggin - gregbituinjr. * Isa sa sampung isyu ng "Karapat Dapat - Karapatan Dapat" para sa mga kandidatong tumatakbo. Ito'y isang kampanyang inilunsad ng ng Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA) p

Proteksyon sa mga inaapi at pinagsasamantalahang sektor

Imahe
4 PROTEKSYON SA MGA INAAPI AT PINAGSASAMANTALAHANG SEKTOR mga katutubo'y dapat igalang, pati kultura huwag payagan yaong dam na wawasak sa kanila dapat igalang ang kababaihan, pati lesbyana ang kabataan ay dapat ilayo sa bisyo't droga huwag hayaang yurakan ang kultura't identidad ng bawat mamamayan, bulok na sistema'y ilantad huwag hayaang hustisya'y tila pagong sa pag-usad dapat bawat mamamayan ay kasama sa pag-unlad mga obrero'y dapat maging regular sa trabaho mga magsasaka'y ayudahan sa pag-aararo mga vendor ay huwag hulihin sa munting negosyo pagkat marangal silang nabubuhay dito sa mundo upang proteksyunan ang maliliit, ang inaapi karapat-dapat na kandidato'y piliing mabuti - gregbituinjr. * Isa sa sampung isyu ng "Karapat Dapat - Karapatan Dapat" para sa mga kandidatong tumatakbo. Ito'y isang kampanyang inilunsad ng ng Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA) para sa Botohan

Hustisyang abot ng maralita at patas para sa lahat

Imahe
3 HUSTISYANG ABOT NG MARALITA AT PATAS PARA SA LAHAT ang asukal na gaano katamis ay walang lasa pag di nararamdaman ng maralita ang hustisya pumapait ang asukal sa langgam na nagdurusa tulad ng dukhang ang buhay ng mahal ay kinuha nanlaban daw ang maralita kaya tinokhang nila habang  mayayamang durugista'y pagala-gala pa bakit kaydaling paslangin, buhay ba ng dukha'y barya habang buhay ng malalaking tao'y di nila kaya marapat ba ang kandidatong tuwang-tuwa sa tokhang upang durugista'y mabawasan, sila'y nalilibang hinuli, walang proseso, parang dagang pinapaslang hustisya't batas na'y binaboy ng mga salanggapang magkano ang abugado, at magkano rin ang batas hustisya'y dapat abot ng maralita't ito'y patas - gregbituinjr. * Isa sa sampung isyu ng "Karapat Dapat - Karapatan Dapat" para sa mga kandidatong tumatakbo. Ito'y isang kampanyang inilunsad ng ng Philippine Alliance of Human Rights A

Pamahalaang sumusunod sa pandaigdigang pamantayan ng karapatan ng mamamayan

Imahe
2 PAMAHALAANG SUMUSUNOD SA PANDAIGDIGANG PAMANTAYAN NG KARAPATAN NG MAMAMAYAN di usad pagong pag kumilala sa pandaigdigang pamantayan ng karapatan ng bawat mamamayan di rin parang langaw sa likod ng kalabaw sa yabang na nakalagda raw sa pandaigdigang karapatan Universal Declaration of Human Rights ay kilala ngunit kilala lang ba, at di naman ito nabasa? gobyerno'y di dapat buhay-diktador sa demokrasya dapat marunong itong rumespeto sa kanyang masa I.C.C.P.R. at I.C.E.S.C.R., di man batid iginagalang ang kapwa, karapatan man ay lingid di dapat sa kawalang-hustisya, kapwa'y binubulid kundi ang bawat isa'y magturingang magkakapatid dapat ito'y alam ng kandidatong karapat-dapat sugat ng lipunan ay dapat malunasa't maampat - gregbituinjr. * Isa sa sampung isyu ng "Karapat Dapat - Karapatan Dapat" para sa mga kandidatong tumatakbo. Ito'y isang kampanyang inilunsad ng ng Philippine Alliance of Human Rights Advo

Paggu-gobyernong maka-karapatang pantao

Imahe
1 PAGGU-GOBYERNONG MAKA-KARAPATANG PANTAO nais natin ng paggu-gobyernong marunong gumalang sa karapatan ng mamamayan mula pagkasilang hanggang kamatayan, may dignidad kahit na gumulang kaya galit tayo sa walang habas na pamamaslang ang nais natin ay makatarungang paggu-gobyerno na karapatan sa buhay ay sadyang nirerespeto ang nais natin, di man banal ang nabotong pangulo ay kumikilala sa buhay, karapatang pantao tinitiyak ang kalusugan ng mamamayan natin ospital ay murang maningil, mura rin ang pagkain trabaho'y regular, sahod ng manggagawa'y sapat din pabahay ng dukha'y matibay, tulog dito'y mahimbing nais natin ng paggu-gubyernong tunay na may puso kandidato'y tutok sa tao, di sa negosyo't tubo - gregbituinjr * Isa sa sampung isyu ng "Karapat Dapat - Karapatan Dapat" para sa mga kandidatong tumatakbo. Ito'y isang kampanyang inilunsad ng ng Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA) para

Ka Leody De Guzman, our senate bet for Climate Justice

Imahe
Ka Leody De Guzman is the chairman of the labor group  Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP).

Mahirap kung wala kang salapi'y walang karamay

MAHIRAP KUNG WALA KANG SALAPI'Y WALANG KARAMAY mahirap kung wala kang salapi'y walang karamay maysakit ka'y balewala ka, iyong naninilay tila ba ang salapi'y magandang gamot sa lumbay malulunasan ang puso mong napuno ng pilay ganyan kadalasan ang buhay mong nararanasan pag walang salapi'y walang kasangga't kaibigan di ka papansinin, para kang tuod sa kawalan walang-wala ka na'y wala na silang pakialam saan ka na patungo kung wala ka nang salapi tila ba buong bayan ang sa iyo'y namumuhi ang sugat mong naging pilat ay muling humahapdi buti pa noong may pera ka pa't di nasasawi dahil ba walang pera'y bawal nang magpakatao? iyan ba'y pamana ng sistemang kapitalismo? - gregbituinjr.

Pagdalo sa ika-124 Unang Sigaw ng Kalayaan sa Yungib ng Pamitinan

Imahe
Dumalo ang inyong lingkod sa paggunita sa ika-124 Unang Sigaw sa Pamitinan nina Gat Andres Bonifacio, (Abril 12, 1895, First Cry of Independence), kasama ang LGU ng Montalban, Rizal, at ang grupong Kamalaysayan (Kaisahan sa Kamalayan sa Kasaysayan), na namuno sa seremonya ng Kartilya ng Katipunan, sa bungad ng yungib ng Pamitinan, sa Brgy. Wawa, Montalban, Rizal, umaga ng Abril 12, 2019. - Greg Bituin Jr. - mga litrato kuha ni Greg Bituin Jr.