Basta dukha, mababa ang kanilang pagtingin
BASTA DUKHA, MABABA ANG KANILANG PAGTINGIN basta dukha, mababa ang kanilang pagtingin magagaspang ang kilos, maamos at marusing itinuring pa nilang basta dukha'y uhugin tila walang hilamos at mukhang bagong gising kahit mga kasama, tingin nila'y kaybaba walang pinag-aralan at mababaw ang luha mukhang di inaruga ang palaboy na bata tila walang magulang, sila ba'y naulila ang mga manggagawang hirap ngunit may sweldo na kahit mababa man ay karespe-respeto ngunit tingin sa dukha'y sanay sa basag-ulo na naghahanap lamang kung anong matityempo dukha nga ba'y kauri ng mga manggagawa at pinandidirihan nitong uring panggitna o sila'y kauri lang ng sadyang walang-wala na obrero man, tingin sa kanila'y kaybaba ang dukha kasi'y walang pribadong pag-aari na animo'y pulubi sa mga naghahari walang dignidad, ayon sa nagkalat na pari dapat lang magkaisa ang dukha bilang uri - gregbituinjr.