Mga Post

Sino si Norman Bethune?

Imahe
SINO SI NORMAN BETHUNE? Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Kasintunog ng apelyido kong Bituin ang Bethune (na binibigkas umano na silent e, tulad ng Betun). Nabasa ko noon ang buhay ni Norman Bethune bilang isang doktor na mula sa Canada. Nabanggit ang kanyang pangalan sa Limang Gintong Silahis o Five Golden Rays na sinulat ni Mao Zedong. Tungkol ito sa pagkilala kay Bethune nang mamatay siya, at binigyan ng luksang parangal. Isang doktor ng rebolusyong Tsino si Norman Bethune.  Tulad ng doktor na si Che Guevara, na isinalin ko ang kanyang akdang Rebolusyonaryong Medisina, pumasok sa utak ko si Norman Bethune. Nagsaliksik pa ako hinggil sa kanya, lalo na't naglingkod siya sa Partido Komunista ng Tsina bilang siruhano o surgeon. Dalawang doktor na naglingkod sa masa, na muling binabalikan ko ngayon, dahil na rin sa pagkakaratay ni misis sa ospital. Habang ako naman ay isang aktibistang nagrerebolusyon kasama ng uring manggagawa. Dalawa silang inspirasyon hinggil sa

Undas

Imahe
UNDAS inaalala ang mga patay  mga nawalang mahal sa buhay lalo na ang butihin kong tatay na ngayong taon nawalang tunay pagpanaw nila'y ginugunita nadarama ang pangungulila ipinagtitirik ng kandila sa sementeryo't sa bahay pa nga Itay, magkakasama na kayo nina Tatang, Lola, Tiya, Tiyo ngayong Undas po'y buong respeto nasa puso't diwa namin kayo sa inyo'y panalangin ang alay ng inyong mga mahal sa buhay na patuloy pa ring nagsisikhay nang kamtin ang pangarap na tunay - gregoriovbituinjr. 11.02.2024

Pambayad ko'y tula

Imahe
PAMBAYAD KO'Y TULA Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Nang ilunsad ang The Great Lean Run noong 2016, sabi ko sa mga organizer, wala akong pambayad kundi sampung tula. Dahil doon, pinayagan nila akong makasali at makatakbo sa The Great Lean Run. Matapos ang isang taon, sa nasabing aktibidad noong 2017, nailathala ko na ang mga iyon bilang munting aklat na naglalaman ng mga tula kay Lean. Natupad ko ang pangako kong sampung tula, ngunit dinagdagan ko kaya labinlimang tula iyon pati na mga isinalin kong akda ang naroroon. Sa gipit naming kalagayan ngayon, anong magagawa ng tula, gayong batid kong walang pera sa tula. Nakaratay si misis sa ospital, dahil sa operasyon, may ilang mga kaibigan at kasamang tunay na nagmalasakit at nagbigay ng tulong. Alam nilang pultaym akong kumikilos habang social worker naman si misis na hina-handle ay OSAEC (online sexual abuse and exploitation of children). Bagamat secgen ako ng dalawang organisasyon, XDI (Ex-Political Detainees Init

Kapitkamay

Imahe
KAPITKAMAY kapitkamay tayo, aking mahal narito man tayo sa ospital kapitkamay tayo, aking mahal sana dito'y hindi na magtagal makakaraos din tayo, sinta walang iwanan at magkasama huwag kang mawalan ng pag-asa alam kong gagaling, gagaling ka magpatuloy tayong kapitkamay bagamat ikaw pa'y nakaratay may solusyon din ang bawat bagay at may mga kaibigang tunay huwag mo akong alalahanin anumang kaya'y aking gagawin madaling araw ako na'y gising upang paghandaan ang gagawin - gregoriovbituinjr. 10.31.2024

Nilay sa madaling araw

Imahe
NILAY SA MADALING ARAW kalahating milyon ang surgery  abot na ng isang milyon kami di pa kasama yaong sa doktor wala pang operasyon sa bukol pultaym tulad ko'y saan kukuha ng pambayad sa bill? ay, problema ang ipon ko'y walang samporsyento ng hospital bill na nakuha ko problemang ito'y nakakaiyak pagkat lansangan ay sobrang lubak talagang sa luha nangingilid lalo't naritong tigang ang bukid di ko masabing pera lang iyan kung said ang balong makukunan may paraan pa sanang magawa habang loob ay inihahanda singkwenta mil pa lang ang nabayad  subalit ngayon ay nilalakad ang mga nakuhang dokumento upang madala sa PCSO ang bawat problema'y may solusyon subalit kailangan na iyon at kung may mahihiramang pilit salamat, iyon na'y ihihirit - gregoriovbituinjr. 10.31.2024

Paglalaba sa ospital

Imahe
PAGLALABA SA OSPITAL pampitong araw na namin ngayon sa ospital sa silid na iyon kaya naglaba kaninang hapon ng mga baro, brief at pantalon natapos ang operasyon niya sa lapot ng dugo sa bituka na dapat palabnawin talaga upang daanan ay makahinga susunod pa'y pangalwang pagtistis sa mayoma niyang tinitiis dahil doon, ako'y napatangis pagtibok ng puso ko'y kaybilis matapos labhan ay sinampay ko inihanger sa loob ng banyo upang matuyo ang mga ito at nang may masuot pa rin dito - gregoriovbituinjr. 10.29.2024

Misis - Ginang

Imahe
MISIS - GINANG dalawang krosword, iisang petsa sa dalawang dyaryong magkaiba Una Pababa  doon sa una at  Una Pahalang  sa isa pa dalawang krosword, iisang tanong na kayang sagutin ng marunong tanong ay  Misis , ano ang tugon anim na titik at  GINANG  iyon dalawang dyaryo kong sinagutan nang si misis ay binabantayan habang kami'y nasa pagamutan matapos niyang maoperahan krosword ay nasagutang malinis habang nagpapagaling si misis pagkat siya roon ay tinistis sa sakit na kaytagal tiniis - gregoriovbituinjr. 10.29.2024 * krosword na may petsang Oktubre 29, 2024 mula sa pahayagang Abante Tonite, p.7, at pahayagang Bulgar, p.13

Sinta

Imahe
SINTA bagamat nasa ospital kita alay ko ang buo kong suporta upang gumaling ka, aking sinta bagamat walang sapat na pera panahon itong walang iwanan tayo'y sabay na magtutulungan nang makaraos sa pagamutan at nang gumaling ka nang tuluyan maraming turok pa't mga testing sina Doc na sa iyo'y gagawin aking sinta, ikaw na'y humimbing habang ako'y kayraming gagawin pambayad pa'y hahagilapin ko pupuntahan din ang P.C.S.O. o marahil mga pulitiko nang gumaan ang gugulin dito iidlip akong madaling araw datapwat tutulog nang mababaw sana'y may pambayad na lumitaw gagawang paraan buong araw - gregoriovbituinjr. 10.28.2024 * larawan mula sa pahayagang Bulgar, Oktubre 27, 2024, p.9

Work from ho(spital)

Imahe
WORK FROM HO(spital) imbes na work from home / ang lingkod ng masa ay work from hospital / ang makatang aba balita sa dyaryo'y / laging binabasa paksa'y inaalam, / isyu ba'y ano na? na bagamat puyat / sa tulog ay kulang ay pilit susulat / ng paksang anuman sa mga nakita / sa kapaligiran sa mga naisip / kani-kanina lang nagpaplano pa ring / isyu'y maihanda para sa Taliba, / dyaryong maralita nagbabalangkas na / upang di mawala ang isyu't nangyaring / dapat mabalita bantay sa ospital / sa sakit sakbibi ang misis na doon / ay kanyang katabi tuloy ang pagtula't / pagdidili-dili susulat sa araw, / kakatha sa gabi - gregoriovbituinjr. 10.28.2024

Nasa bubong pa ang mga binagyo

Imahe
NASA BUBONG PA ANG MGA BINAGYO ang mga binagyo'y walang makain at mainom mga nasalanta hanggang ngayon ay nasa bubong sa panayam sa isang taga-San Roque, Poblacion mga residente'y wala pang natanggap na tulong anang ulat, abot-leeg pa umano ang baha sa maraming barangay na dinaanan ng sigwa kaya ang nasabing lugar ay hindi pa masadya danas nila'y gutom, uhaw, sakit, balisa, luha halina't basahin at dinggin ang ulat na ito at sa abot ng kaya'y tulungan ang mga tao isang pangyayaring walang sinuman ang may gusto isang kaganapang dapat magtulong-tulong tayo walumpu't isa umano ang namatay kay 'Kristine' maraming sugatan, mga nawawala'y hanapin mga nakaligtas ay gutom at walang makain tayo'y magkapitbisig at sila'y tulungan natin - gregoriovbituinjr. 10.27.2024 * ulat mula sa pahayagang Bulgar, Oktubre 27, 2024, pahina 2

Ang makata

Imahe
ANG MAKATA ako'y isang makata para sa maralita at uring manggagawa na isa kong adhika patuloy ang pagtula dumaan man ang sigwa ako'y laging tutula di man laging tulala maraming pinapaksa tulad ng bagyo't baha ang nasalantang madla't natabunan ng lupa inaalay ko'y tula na madalas na paksa ay manggagawa't dukha kababaihan, bata katarungan, paglaya sa bagyo'y paghahanda ang nagbabantang digma sa ilang mga bansa tungkulin ng makata ang hustisya'y itula ang burgesya'y matudla at mais ay ilaga - gregoriovbituinjr. 10.27.2024 * litrato mula sa app game na CrossWord

Nabaon sa lupa ang isang nayon sa Batangas

Imahe
NABAON SA LUPA ANG ISANG NAYON SA BATANGAS anong tindi ng ulat sa Philippine Star "Landslide buries village in Batangas: 14 dead" lumubog na ang isang nayon sa Talisay, Batangas, labing-apat katao'y namatay sa Purok B ng Barangay Sampaloc dito nang manalasa si Kristine, kaytinding bagyo ang mga nakaligtas ay tulungan natin sa munti mang paraan, tubig at pagkain may nawawala pa raw na anim katao kasama ang isang babae't anak nito ang marahil ay natabunan din ng lupa pag nahanap, labing-anim na ang nawala sa bayan ng Laurel, may walong patay naman natamaan din ang Lemery't Calatagan na pagitan nito'y ang bayan ng Balayan naroon ang aking ina't kamag-anakan nawa'y mabatid ang nangyayari sa klima o climate change, na panahong paiba-iba tulungan din natin ang mga nasalanta ating ibigay ang kailangang suporta - gregoriovbituinjr. 10.26.2024 * ulat mula sa pahayagang Philippine Star, Oktubre 26, 2024, pahina 1 at 3

You must...

Imahe
YOU MUST... buti't may libreng Philippine Star habang nagbabantay sa ospital mayroon doong palaisipan hanggang nasagutan ang  crytogram agad kong nahulaan ang  "You Must" dahil sa given na M, A, at I at nasagutan agad ang  "it is"  kaya lahat nasagutang tunay nabuo rin yaong pangungusap na pananalita ni  Rosa Parks bayaning Itim sa Amerika at naging inspirasyon ng masa ani Rosa Parks:  "You must never be fearful about what you are doing when it is right!"  makabuluhang sabi nang kapwa Itim ay palayain pananalita't palaisipan dalawa kong tungkulin sa bayan at bilang makata ng silangan tungong pagbabago ng lipunan - gregoriovbituinjr. 10.25.2024

AI chatbox, dahilan ng suicide? (Pangsiyam sa balitang nagpatiwakal)

Imahe
AI CHATBOX, DAHILAN NG SUICICE? (PANGSIYAM SA BALITANG NAGPATIWAKAL) Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Ikasiyam na balitang nabasa ko hinggil sa pagpapatiwakal mula Setyembre 20 hanggang ngayong Oktubre 25, 2024. Bagamat sinasabi sa isang balita sa Inquirer na ang pagpapatiwakal ng isang 14-1nyos na kabataan ay naganap noon pang Pebrero. Subalit kakaiba ito.  Isang robot ang nambuyo sa isang batang 14-anyos upang magpakamatay ang bata. Ayaw nang mabuhay ang bata sa tunay na mundo. Kaya isinakdal ng nanay ng nagpatiwakal na bata ang AI chatbox company dahil ito ang dahilan ng pagpapakamatay ng bata. Ang pamagat nga ng balita ay  "Mother sues AI chatbot company over son's suicide" , Inquirer, Octunre 25, 2024, pahina B6. Narito ang isang talata subalit mahabang balita: A Florida mother has sued artificial intelligence chatbot startup Character.AI accusing it of causing her 14-year-old son's suicide in February, saying he became addicted to the company&

Ikawalong nagpatiwakal sa loob ng 35 araw

Imahe
IKAWALONG NAGPATIWAKAL SA LOOB NG 35 ARAW Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Napakaraming paksa ang dapat itula, subalit hindi ako mapakali sa isang paksang laging lumilitaw ngayon sa balita, lalo na sa pahayagang Bulgar - ang isyu ng mga nagpakamatay. Isa sa dapat pagtuunan ng pansin ng mga kinauukulan, o ng pamahalaan, ay ang dami ng mga nagpapatiwakal. At nasubaybayan ko sa balita ang ganito, lalo na sa pahayagang Bulgar. Mula Setyembre 20 hanggang Oktubre 24 ay walo na ang nagpakamatay. Labing-isang araw ng Setyembre, kasama sa bilang ang a-20, o 30-20+1 = 11 araw, at 24 araw ng Oktubre, 11+24=35. Halos isa tuwing apat na araw ang nagpapatiwakal. Paano nga ba iiwasang magpasyang magpatiwakal ang isang tao? Kung siya ay biktima, siya rin ang suspek dahil siya ang nagdesisyon. Maliban kung may foul play. Tingnan natin ang talaan ng mga nagpakamatay, ayon sa ulat ng Bulgar. Isa-isahin natin ang mga pamagat ng walong balita: (1) 16-anyos na estudyante, tumalon mula sa

Katas ng tibuyô

Imahe
KATAS NG TIBUYÔ nabili ko ang librong World's Greatest Speeches mula sa baryang naipon ko sa tibuyô magandang librong pinag-ipunan kong labis nang mga talumpati'y mabasa kong buô pitumpu't limang orador ang naririto talambuhay muna, sunod ay talumpati ng mga bantog sa kasaysayan ng mundo bayaning itinuring ng kanilang lahi pitumpu't limang pinuno ng bansa nila ang nagsibigkas ng makabagbag-damdaming mga talumpating tumatagos sa masa hanggang bansa nila'y tuluyang palayain nang libro'y makita, agad pinag-ipunan at upang di maunahan sa librong nais ay may tibuyô akong mapagkukuhanan ng pera upang mabili yaong mabilis salamat sa tibuyô, may perang pambili ng gusto ko tulad ng babasahing aklat ang pinag-ipunan sa tibuyo'y may silbi upang umunlad pa ang isip at panulat - gregoriovbituinjr. 10.23.2024 * tibuyô - salitang Batangas na katumbas ng Kastilang alkansya * ang nabanggit na aklat ay nabili sa National Book Store, Ali Mall branch sa halagang P299.00

Pagninilay - salin ng tula ni Asmaa Azaizeh

Imahe
PAGNINILAY Tula ni Asmaa Azaizeh Isinalin sa Ingles ni Lena Tuffaha (Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.) Kahapon, iniabot ko lahat ng aking tula sa aking tagapaglathala. Pakiramdam ko'y ang aking ulo ang inabot ko sa kanya  at ang mga salitang binibigkas ko mula ngayon ay lalabas sa bibig niya. Napakasakit! Hindi nagpapakita nang paisa-isa ang mga sakuna Dumarating sila sa kawan-kawan tulad ng isang nagugutom na hayop. Sinabi ito ng isang makata at siya'y ay namatay. Halimbawa, kalahati ng aking pamilya ang namatay at pagkatapos kong ipagdiwang ang dulo ng taon namatay ang aking ama. Simula noon ay hinayaan ko na ang aking mga tula. Tuwing gabi naglalasing ang mga makata sa ilalim ng aking bintana at dinidiktahan ako ng matatalinong tula. Kinasusuklaman ko ang karunungan. Inaanyayahan ko sila, at nilapa ko silang animo'y tupang pinataba at nakisalo sa kanila, subalit hindi ko pa rin maibabalik ang aking tinig. Nasulyapan ko ito sa bintana, nakabayubay sa ituktok ng bu

Nais basahing 100 aklat

Imahe
NAIS BASAHING 100 AKLAT nais ko pang basahin ang sandaang aklat  na paborito ko bago ako mamatay mga kwento't nobelang nakapagmumulat mga tula, dula, pabula, talambuhay kayrami ko nang librong pangliteratura, pampulitika, o kaya'y pangmanggagawa, pang-ideyolohiya dahil aktibista at gumagawa ng diyaryong maralita di ko pa tapos ang nasa aking aklatan ang iba nga'y unang kabanata pa lamang ang nababasa't di pa muling nabalikan ngunit babasahin din kahit nasa parang habang kumakatha, nais ko ring basahin dula, kwento't tulang sa masa'y nanggigising sanaysay at ideyolohiyang sulatin upang magsikilos ang dukha't nahihimbing - gregoriovbituinjr. 10.22.2024

Laughing emoji - natatawa o nang-aasar?

Imahe
LAUGHING EMOJI - NATATAWA O NANG-AASAR? pag nakakita ako ng  laughing emoji sa pesbuk at sa di nakakatawang entri ang  HaHa  ay mapang-asar at mapanlait minsan, laughing emoji ay nakagagalit ang  HaHa  ay komento kapag natatawa at pag seryosong isyu, di dapat matawa bagamat meron kang sariling kuro-kuro gamitin ang wastong emoji sa komento may emoji sa  Like, Love, Care, Wow, Angry,  at  Sad ngunit komento'y dapat alam pag nilahad di  laughing emoji  sa seryosong usapin paano kung mang-asar ang iyong layunin? ang emoji ay ilagay natin ng tama na di maaasar ang karaniwang madla kung entri ay comedy,  Haha  ang emoji ngunit tayo'y malaya sa nais masabi - gregoriovbituinjr. 10.22.2024 * ang litrato'y nakita lang sa isang entri sa pesbuk

Tulang walang pamagat IV - salin ng tula ni Zakaria Mohammed

Imahe
TULANG WALANG PAMAGAT IV Tula ni Zakaria Mohammed Isinalin sa Ingles ni Lena Tuffaha (Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.) IV. Siya'y tumatangis, kaya kinuha ko ang kanyang kamay upang pakalmahin at upang punasan ang kanyang mga luha. Sabi ko sa kanya habang sinasakal ako ng kalungkutan: ipinapangako ko sa iyong ang katarungang iyon ay mananaig din sa dulo, at daratal din ang kapayapaang iyon sa lalong madaling panahon. Nagsisinungaling ako sa kanya, siyempre. Batid kong di mananaig ang katarungan at di daratal ang kapayapaan sa lalong madaling panahon, subalit dapat kong pigilan ang kanyang pagtangis. May mali akong palagay na nagsasabing, kung kaya natin, sa pamamagitan ng ilang tapik, ay mapapahinto ang ilog ng luha, na magpapatuloy ang lahat sa makatwirang paraan. Pagkatapos, tatanggapin na lamang ang mga bagay kung ano sila. Mangingibabaw ang kalupitan at katarungan nang magkasama sa parang, ang diyos ay magiging kapatid ni satanas, at ang biktima'y magiging sinta ng